Maraming OFW ang hindi makauwi ng Pilipinas sa espesyal na araw ng kanilang mga mahal sa buhay tulad ng kaarawan. Pero sa tulong ni Adrian, puwede pa rin nilang sorpresahin ang mga mahal sa buhay at maipadama ang kanilang pagmamahal.
Sa programang "iJuander," ikinuwento ni Adrian, na isa ring dating OFW, kung papaano niya nasimulan ang negosyo niya na ihatid ang mga regalo ng mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Katunayan, marami sa mga video kung saan inihahatid ni Adrian ang mga regalo ng OFW sa kanilang mga kaanak lalo na sa mga magulang, o ang pagbasa niya ng mga sulat ang nag-viral sa social media dahil talaga namang nakakaantig.
Panoorin ang kakaibang kuwento na ito.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
