Nahuli-cam ang pagbundol ng isang tricycle na garong sa mag-inang tumawid sa pedestrian lane sa Urdaneta City, Pangasinan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa Alexander Street sa Barangay Poblacion nitong tanghali ng Martes.
Ayon sa opisyal ng barangay at base na rin sa CCTV footage, makikita na malapit nang makarating sa gitna ng kalsada ang mag-ina nang mahagip sila ng garong.
Napansin din na bahagyang yumuko ang driver ng garong kaya hindi niya napansin ang mag-ina.
Nangako naman umano ang driver ng garong na sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima na mabuting minor injuries lang ang tinamo.
Paalala ni Police Captain Hernando Martinez, investigator, Urdaneta City PNP, sa mga motorista, dapat mag-slow down at full stop sa pedestrian lane.
Kung may makita tumatawid, hayaan na munang makatawid ang mga tao.—FRJ GMA News
