Kahit nakikipaglaban sa nakamamatay na COVID-19, ang mga mahal na magulang pa rin ang nasa isip ng OFW na si Art Marasigan, walong taon nang nagtatrabaho sa United Arab Emirates.

Dahil may sakit sa puso ang kaniyang ina, pinili ni Art na huwag na lang ipaalam sa kaniyang mga magulang ang kaniyang sakit dahil baka mag-aalala ang mga ito at makasama sa kanilang kalusugan.

Ang kaniyang mga kapalit lamang sa Pilipinas ang nakakaalam ng kaniyang pinagdadaanan at nagsagawa ng pagdarasal para malampasan niya ang pagsubok.

Nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay matapos ang dalawang linggong pananatili sa ospital, nagnegatibo na sa COVID-19 test na si Art. Pagkaraan nito, nagpasya na rin siyang sabihin sa kaniyang mga magulang kaniyang pinagdaanan.

Tunghayan sa video na ito ng "Juan Love" ang buong kuwento ni Art, at ginawa niyang pagtatapat sa kaniyang mga magulang, pati na ang pinanabikan niyang pagbabalik sa Pilipinas.

--FRJ, GMA News