Dalawa katao ang patay, kabilang ang isang menor de edad, habang 11 ang sugatan matapos masalpok ng humaharurot na truck ang isang pampaserong jeep Batangas City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood na saktong lumiliko noon ang jeep sa bahagi ng National Highway.
Ilang saglit pa, tumilapon ang ilang sakay ng jeep sa lakas ng pagkakabangga.
Nakaladkad pa ang jeep hanggang sa madamay ang isang kotse. Dinala sa iba't ibang ospital ang mga sugatan.
Nasa kustodiya na ng pulisya at posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng truck, na walang pahayag. – Jamil Santos/FRJ GMA News
