Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki nang makuryente sa pagsaksak niya ng electric heater sa kanilang bahay sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabi ng kaanak na mag-iinit sana ng tubig ang biktima nitong Martes sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Aguisan.
Nakita na lang nila ang biktima na nakabulagta na sa sahig at napag-alaman na nakuryente sa pagsaksak ng heater. – FRJ GMA News
