Unti-unting bumigay hanggang sa tuluyang gumuho ang isang bahay sa gitna ng masamang panahon sa Lubao, Pampanga.

Sa ulat ng GMA News Bulletin nitong Sabado, sinabing gumuho ang naturang bahay sa Barangay Santo Cristo pasado 6 p.m.

Sa kabutihang palad, walang tao sa bahay bago ang pagguho.

Pang-anim na ito sa mga bahay na natangay at nawasak dulot ng rumaragasang ilog.

Sinabi ng Lubao LGU na nakatayo sa “no build” area ang dalawa sa mga nasirang bahay.

Hindi na pababalikin doon ang mga residente. —Jamil Santos/VBL GMA News