Nasawi ang isang negosyante matapos makaengkuwentro ang grupo ng kaalitan niya sa lupa sa Marawi, Lanao del Sur.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na humantong sa mainit na pagtatalo ang pagkikita ng biktima at ng suspek sa Barangay Gadongan.
Hanggang sa balikan ng biktima at kaniyang mga kasama ang suspek at doon na nagka-engkuwentro.
Nadakip ng mga awtoridad ang dalawa sa sangkot sa insidente.
Dati na umanong may alitan sa lupa ang biktima at ang isa sa mga suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. – FRJ GMA News
