Sa Kalamasig, Sultan Kudarat, isang ginang ang nagsilang ng kambal na isa lang ang katawan at dalawa ang ulo. May kinalaman nga kaya sa hindi umano pagsunod ng ginang sa umano'y mga pamahiin sa naging kondisyon ng kaniyang mga anak?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabing Setyembre 2, nang isilang ang kambal na binawian din ng kaagad ng buhay. Iisa lang ang puso at baga ng kambal na dahilan para daw ito mahirapan huminga.

Ano nga ba ang dahilan ng kondisyon ng magkadikit na kambal na babae na kung tawagin ay Dicephalic Parapagus. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News