Nahulog sa gilid ng highway ang isang kotse nang makasalpukan nito ang isa pang sasakyan sa Candelaria, Quezon nitong Martes ng hapon na nagresulta sa pagkakasugat ng pito katao.
(PHOTO Courtesy: MDRRMO Candelaria)
Sa lakas ng banggaan ng dalawang sasakyan na naganap sa Diversion Road dakong 1:00 p.m., nawasak ang harapan ng isang sasakyan.
Ilang bata ang kasama sa mga nasaktan na nilapatan ng paunang lunas bago dinala sa ospital ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office .
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang may kasalanan sa nangyaring sakuna. -- Peewee Bacuño/FRJ, GMA News

