Sugatan ang isang babae sa Tampakan, South Cotabato matapos tagain ng kinakasama dahil sa paglalaro ng computer games, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Huwebes.

Ayon sa suspek na si Joey Magon Jr., kakauwi niya lang galing ng trabaho nang datnan niya ang kanilang mga anak sa bahay na nagugutom na dahil hindi pa pinapakain ng kinakasamang si Angelou Peligrino.

Uminit daw ang ulo ni Magon nang makita niyang naglalaro lang ng computer si Peligrino kaya niya ito tinaga sa ulo.

Sumuko na sa mga mga opisyal ng barangay si Magon, habang nagpapagaling naman sa pagamutan si Peligrino. —Joviland Rita/LBG, GMA News