Hinarang ng mga opisyal ng Commission on Elections ang sako-sakong bigas sa Koronadal City sa lalawigan ng Cotabato upang maiwasan itong magamit ito sa pamimili ng boto.

Ginawa ito ng Comelec matapos makatanggap ng ulat mula sa concerned citizens na nagpahayag ng pangambag gamitin ang mga bigas pangbili ng boto sa datating na halalan sa Lunes, ayon sa ulat News TV Live nitong Sabado.

Iimbestigahan ang may-ari ng bigas, na posibleng maharap sa election offense kapag mapatunayang gagamitin nga sa vote-buying ang mga bigas.

Pero, giit ng negosyante, pautang umano ang mga tambak ng mga bigas na ngayon ay nakalagay sa isang barangay hall ng lungsod. —LBG, GMA News