Nagka-fracture sa bungo ang isang binatilyong biktima ng bullying sa Bagamanoc, Catanduanes, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kuwento ng biktima, binugbog siya ng mga kabarkada nang tumanggi siyang magbigay ng P50.

Sinuntok daw siya sa ulo at binalibag sa pader dahilan kaya nagsuka siya ng dugo at nawalan ng malay.

Bukod sa fracture sa bungo, nakita sa CT scan na may namuong dugo sa ulo ng binatilyong nagpapagaling na ngayon.

Ayon sa biktima, noon pa siya binu-bully ng mga kabarkada.

Natuto pa nga raw siyang magsinungaling sa nanay niya para makahingi ng extrang pera para mayroon siyang maibigay sa mga nambu-bully sa kanya.

Nagsampa na ng reklamo ang pamilya ng binatilyo. —KBK, GMA News