Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita at sa pananaksak sa ina nito sa Atimonan, Quezon noong ika-28 ng August 2019.

Photo by Pewee Bacuño
Photo by Pewee Bacuño

 

Pahayag ng mga pulis, nasukol ang suspek sa isang liblib na lugar sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City nitong Sabado ng hapon, sa pagtutulungan na rin ng mga pulis sa Olongapo at Calabarzon.

Hindi na tumakas si Dario Salomeri, step father ng dalagita na kanyang pinatay. Matatadaang sinaksak din ng suspek ang ina ng biktima ngunit hindi ito napuruhan at nakaligtas sa kamatayan.

Halos isang buwan na nagtago ang suspek. Hawak na ngayon ng Atimonan Municipal Police Station si Salomeri at nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.

Regine Retis, 16 --Atimonan MPS
Regine Retis, 16 --Atimonan MPS
Susan Retis. --MPS
Susan Retis. --MPS

Nakailang beses rin na nagpahayag ng pagsuko at paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima si Salomeri sa pamamagitan ng pagti-text, subalit hindi naman ito nagpakita.

Nag-viral noong Agusto ang video ng babaeng sinaksak sa leeg at nakatarak pa sa leeg nito ang itak.

Ang babae ay live-in partner ng suspek at ina ng pinatay na dalagita. —LBG, GMA News