Patay sa pamamaril ang isang babaeng may problema daw sa pag-iisip sa Javier, Leyte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nakaupo lang daw sa outpost ang biktima nang pagbabarilin ng apat na beses.

Ayon sa mga saksi, sakay ng maroon na SUV ang mga salarin.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kanilang motibo. --KBK, GMA News