Arestado ang isang lalaki sa Naga, Camarines Sur matapos umanong manuntok at mangagat ng pulis, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Sinita raw ang lalaki dahil wala itong suot na pang-itaas at wala ring face mask habang bumibili sa tindahan.

Nagmura raw ang lalaki at nakipambuno sa pulis nang aktong aarestuhin na siya. Pati raw mga kaanak nito ay nambato sa mga pulis.

Nakatakas ang lalaki ngunit naaresto rin kalaunan. Depensa niya, nangagat siya dahil nasasakal na siya ng mga pulis. --KBK, GMA News