Pinatunayan ng isang Emirati na kaya niyang magbago at alisin ang masamang bisyo gaya ng paglalasing para sa minamahal niyang Pinay.

Sa episode ng “Finding Mahal” ng GMA Pinoy TV, itinampok ang love story nina Aizel Lois Borongan at Khalid Al Jaber, na sinubok ang kanilang pag-iibigan sa simula.

Kuwento ng Filipina-Emirati couple, nagkakilala sila sa isang restaurant.

“It was just a very simple day where I was having coffee,” pag-alala ni Aizel.

“My plan is just to grab my favorite double cheeseburger, one sandwich, one meal and then just go home,” dagdag ni Khalid.

Kaya ang isa sanang ordinaryong araw lamang, nag-iba nang naglakas-loob si Khalid na lapitan si Aizel, at magpakilala.

“When I just crossed over and I saw her, I don't know, there was something that just attracted me to her. So I just said, okay, let me take an action and go and talk to her,” ani Khalid.

“So I just went and said, ‘Hi, how are you? My name is Khalid,' and she said, ‘Hi,’ and she was looking at me like, Okay, what's going on? Love at first sight, actually,” pagpapatuloy niya.

Pagsubok sa simula

Gayunpaman, hindi naging maayos ang simula ang kanilang relasyon. Kinailangang harapin nina Aizel at Khalid ang magkaiba nilang pamumuhay, lalo na ang pag-inom at pag-party ni Khalid.

“He was a drunk man before; like, literally every day, he's drinking. So that's his life,” pag-alala ni Aizel.

“And I just party, drink every day, and all vices. And I wasn't thinking about my health, and I wasn't thinking about the future. I wasn't thinking about anything. I just want to live the day, sleep, wake up tomorrow, and do the same thing. Like it's a daily routine for me,” sabi naman ni Khalid.

Ayon pa kay Aizel, makikita kay Khalid ang “all the red flags.” Ngunit naniwala siyang maaari itong magbago kung magagabayan.

“He has all the red flags. This man, he is a lost soul. He might just need someone to motivate him,” Aizel said.

“I will not forget that line. She told me that I don't imagine myself with a drunk man… She changed my life,” sabi ni Khalid.

“Slowly, he changed. And actually, one day, he decided to lessen his alcohol intake,” dagdag ni Aizel.

Habang lumalalim ang kanilang relasyon at tumitibay ang tiwala nila sa isa’t isa. Kalaunan, nagpasya na si Khalid na mag-propose.

Habang natutulog si Aizel sa kaniyang tabi at nagpe-Facebook Live, doon na nagtanong si Khalid.

“I said, 'Okay,' I said, 'guys, I have a surprise for you… And she doesn't know she was sleeping like deadly. And then I wake her up. ‘Mahal, mahal.’ And she just woke up like she wasn't aware what really was going on,” pag-alala ni Khalid sa kaniyang proposal.

“I checked after that. And that's when I realized, oh my God… he proposed to me on Live!” sabi ni Aizel.

Buhay may-asawa

Ngayong pinalalaki na nila ang kanilang anak na si Amira, nagpapasalamat sina Aizel at Khalid sa walang humpay na suporta na ibinibigay nila sa isa't isa bilang mga magulang.

“Now that we have our own child, he exceeded my expectations. He's very hands-on to Amira. He is really very supportive and my partner in everything,” sabi ni Aizel.

Kahit na may magkaibang kultura, sinabi ni Aizel na hindi kailanman naging hadlang ang kanilang mga pagkakaiba sa pagbuo ng kanilang pamilya. Sa halip, umaasa silang maipapasa ang parehong kultura sa kanilang babaeng anak.

“We want Amira to have both cultures, able to learn both languages, Arabic and Tagalog. Because at the end of the day, it is part of who she is. We would love her to enjoy two cultures,” paliwanag ni Aizel.

Para kina Aizel at Khalid, ang paghahanap ng kanilang "mahal" ay nangangahulugang pagpili ng taong gusto nilang makasama habang buhay.

“Thank you for everything. Thank you for being a good provider. Protector of our family. Thank you for the love, the care, for being a good husband and for being a good, hands-on father to Amira. I love you,” mensahe ni Aizel sa asawa.

“Thank you also as well for entering my life [and] changing me for what I am today. And for bringing a blessing to our life, which is Amira. And I will love you forever,” mensahe ni Khalid kay Aizel.— Lyjah Tiffany Bonzo/Jamil Santos/FRJ. GMA News