Magsasama sa iisang entablado ang dalawang reyna ng Pinoy rock!

Magkakaroon ng intimate show na pinamagatang “Crossfade” sina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis sa Oktubre 11, Linggo, sa Matchpoint Sports Bar and Events sa Mandaluyong City.

Magkakaroon ng mahahabang pagtatanghal ang dalawa, at magbubukas ang venue sa ganap na alas-6 ng gabi.

Bilang opening act ng dalawang rock icon, makakasama rin nila ang sumusikat na alternative-pop artist na si Bloo!

Tickets are available for P1,600 via bit.ly/barbiekitchiecrossfade.

Mabibili ang mga tiket sa halagang P1,600 sa pamamagitan ng bit.ly/barbiekitchiecrossfade.

Kilala si Kitchie sa mga awiting “Huwag na Huwag Mong Sasabihin,” “Same Ground,” at “Bulong.” Samantala, ilan naman sa mga sikat na awitin ni Barbie ay ang “High,” “Just a Smile,” at ang sarili niyang bersyon ng “When I Met You.”

—Nika Roque/FRJ GMA News