Isang Philippine eagle ang nasagip sa plantasyon ng goma sa Makilala, Cotabato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Anang rescuer na si Joel Arumbo, nakita niya at ng kaniyang pamangkin ang agila sa ilalim ng puno ng goma na inaaway ng mga uwak.

Agad daw nilang binalot sa damit at dinala sa barangay hall ang agilang nasa 20 kilo ang bigat.

Itu-turn over sa Department of Environment and Natural Resources ang nasabing hayop na isa nang endangered species o nanganganib nang maubos. --KBK, GMA News