Suspendido ng ilang araw ang operasyon ng Cebu Provincial Capitol matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 empleyado doon, ayon sa ulat ni Ian Cruz sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

Magtatagal daw ang suspensiyon ng operasyon ng kapitolyo mula July 1 hanggang July 3.

Nakasaad ang suspensiyon sa isang memorandum na inilabas ni Cebu Governor Gwen Garcia.

Sa 15 empleyadong tinamaan ng COVID-19, 12 ang taga-Cebu City, dalawa naman ang taga-Mandaue ang isa ang taga-Talisay. —KBK, GMA News