Aabot sa 15 katao ang inaresto dahil umano sa iligal na karera ng kalabaw sa Pulilan, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kabilang sa mga inaresto ang isang barangay kagawad at anim na menor de edad. Walong imported na kalabaw naman ang kinumpiska ng mga otoridad.

Giit ng mga suspek, wala namang pustahan sa karera.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong illegal gambling at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga naarestong menor de edad. —KBK, GMA News