Isang tulak umano ng droga na nanlaban daw sa mga pulis ang napatay sa isang sementeryo sa Rosario, Cavite, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakahalata raw ang suspek na si Edgar Villanueva na mga pulis ang ka-transaksiyon niya kaya bumunot siya ng baril at nagpaputok, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis at mapatay siya.

Nakuha sa suspek ang isang .38 caliber na revolver at ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Nasa drug watchlist daw si Villanueva, ayon sa mga pulis. —KBK, GMA News