Isang 3-taong gulang na bata ang namatay sa COVID-19 sa Lanao del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Dinala raw ang bata sa ospital dahil sa pneumonia. Namatay siya ilang oras matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa 158 ang nagka-COVID-19 sa Lanao del Sur, karamihan sa kanila mga nagsibalikang stranded na mga indibidwal at mga overseas Filipino.

Sa kabuuang bilang, apat ang namatay habang 46 na lang ang itinuturing na aktibong kaso na ginagamot sa iba't ibang quarantine facilities. —KBK, GMA News