Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos anurin ng baha sa Jagna, Bohol, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Huwebes.

Madaling araw daw nang umalis ng bahay ang biktimang si Nino Cagahasan para magbenta ng gulay.

Inanod daw si Nino ng rumaragasang tubig habang tumatawid sa isang binahang kalsada.

Samantala, naantala naman ang biyahe ng mga motorista sa Canlaon City sa Negros Oriental matapos matabunan ng gumuhong lupa ang isang highway.

Umabot daw sa apat na oras ang pag-ulan sa lugar noong Lunes kaya nagdulot ito ng landslides.

Kinabukasan na ng isinagawa ang clearing operations. —KBK, GMA News