Isang babaeng edad 8 taon ang ginahasa umano ng dalawa niyang pinsan sa San Carlos City, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Kuwento ng biktima sa kaniyang ina, niyaya siya ng magkapatid na suspek sa bukid, pero sa halip na sa bukid ay sa ilalim daw ng isang puno siya dinala.

Naganap daw ang panghahalay matapos tutukan ng kutsilyo ang biktima.

Inaresto na ang 20-taon gulang na suspek habang isasangguni pa sa Department of Social Welfare and Development kung ano ang dapat gawin sa isa pang suspek na menor de edad.

Itinanggi ng nakatatandang suspek na may kinalaman siya sa krimen. —KBK, GMA News