Huli sa video ang hindi pagsunod ng ilang residente ng Cabuyao, Laguna sa social distancing sa pagdiriwang nila ng pista, ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Huwebes.

Kita sa video na nagsayawan at nagkumpulan ang mga tao habang sinasalubong ang prusisyon ng patron nilang si San Rafael. Ang ilan ay lumapit pa sa imahen.

Wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan ng Cabuyao kaugnay nito. --KBK, GMA News