CANDELARIA, Quezon - Dalawang kabataan sa bayan ng Candelaria, Quezon ang naaresto ng mga pulis sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Masin Sur nitong Sabado ng gabi. 

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng marijuana sa halagang P9,000. 

Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang sabihin ng nagpanggap na buyer na pulis ito.

Arestado sina Vincent Cantos, 19, at John Loyd De Duzman, 21, na pawang mga college student.

Nakuha kina Cantos at De Guzman ang ginamit na marked money at mga marijuana. 

Hindi na nakatanggi pa ang dalawang naaresto. 

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung magkano ang halaga ng narecover na marijuana.

Ayon pa sa Philippine National Police, matagal na nilang binabantayan ang operasyon ng dalawang suspek.

Bukod sa bayan ng Candelaria, nagbebenta rin daw ang dalawa sa bayan ng Tiaong at Sariaya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa violation ng Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —KG, GMA News