Isang sundalo ang pinagnakawan, pinatay at tinanggalan pa ng mata sa Lanuza, Surigao del Sur. Ang mga suspek, hinihinalang miyembro ng New Peoples' Army (NPA).

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Private First Class Ariel Maca ng Philippine Army.

Ayon sa tiyuhin ng biktima, nagpunta sa bundok si Maca para mag-check umano ng signal para sa kanilang gamit.

Pabalik na raw ang biktima nang abangan ng mga suspek.

Bukod sa mga tama ng bala sa katawan, may palatandaan din umano na pinahirapan pa ang biktima dahil sa mga pasa nito sa katawan at baling mga buto, at inalisan pa ng mata.

Nawawala rin ang baril ni Maca at dala nitong P50,000 na inutang lang umano ng biktima. —FRJ, GMA News