KALIBO, Aklan - Nakuhanan ng CCTV ang pagnanakaw ng dalawang suspek sa isang food cart ng hopia sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Makikita sa CCTV ang mabilisang pagpasok ng isang hindi nakilalang suspek sa food cart. Maya-maya ay dumating ang kanyang kasabwat.

Kaagad nilang kinuha ang mga gamit na nakatago sa nasabing food cart.

Ayon sa may-ari ng nasabing food cart, ninakaw ng mga suspek ang ilang mga kagamitan sa pag-mix at pagluluto ng hopia.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek. —KG, GMA News