Aabot sa mahigit 40,000 na manok sa isang poultry ang namatay dahil sa heat stroke sa Nagcarlan, Laguna, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa agriculture officer ng bayan, nawalan ng kuryente sa Barangay Maravilla ng mahigit apat na oras kaya hindi kinaya ng mga manok ang init sa loob ng kulungan.

Siniguro naman ng barangay na hindi peste o anumang sakit ang ikinamatay ng mga manok.

Tinatayang mahigit P3 milyon ang lugi ng may-ari ng poultry dahil sa insidente.  —KBK, GMA News