Natagpuan sa magkahiwalay na bayan sa Capiz ang bangkay ng isang lalaki at isang babae na pinaniniwalaang magkakilala, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Nakagapos ang mga kamay, may takip ang mukha at may tama ng bala ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa bayan ng Dumalag, habang ang bangkay naman ng babae ay natagpuan sa bayan ng Dumarao na may tama rin ng bala sa katawan.

Nakilala ang babae na si Rose Bering na taga-Anilao, Iloilo.

Ayon sa pulisya, magkakilala ang dalawa base sa nakitang litrato sa Facebook ng lalaking biktima.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.  —KBK, GMA News