Isang empleyado ng mataas na opisyal ng Kamara ang naaresto sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal, ayon sa ulat sa Saksi.

Sa isang motel naaresto ang suspek nang bentahan niya ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na P12,000 ang halaga.

Aminado ang suspek na suma-sideline siya sa pagtutulak ng droga kapag hindi siya naka-duty sa Batasan. -- BAP, GMA News