Nakaranas ng pagsusuka, lagnat at LBM umano ang mahigit 80 katao na kumain ng inihaing sandwich sa isang misa at libing sa Catanduanes.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing isinugod sa ospital ang 86 katao mula mga bayan ng San Andres at Virac.

Inilahad ng mga awtoridad na maaaring na-food poison ang mga biktima.

Ipinatawag na ang caterer na naghanda ng naturang pagkain. --Jamil Santos/KBK, GMA News