Nag-iwan ang bagyong Ulysses ng makapal na putik na bumabalot sa mga daan at kabahayan sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na lubhang apektado ng makapal na putik ang Barangay Kasiglahan.

Nababalot ng makapal na putik ang mga kalsada ng barangay. Nag-iwan din ng mga pinsala sa kabahayan and baha na dulot ng bagyong Ulysses.

Nananatili ring walang kuryente ang barangay at walang tubig.

Wala naman umanong naiulat nasaktan o nasawi sa bayan. 

Ayon sa mga residente, tubig, kuryente, at relief goods ang kanilang kailangan sa ngayon. —LBG, GMA News