Nauwi sa malagim na krimen ang inuman ng dalawang pedicab driver sa Bacolod City nang saksakin ng suspek sa gilid ng kalsada ang biktima.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Dennis Panigue na nagtamo ng mga saksak sa katawan at leeg.

Naaresto naman ang suspek na si Judy Elopia.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng suspek na nagalit ang biktima nang pauwiin na niya ito.

Kumuha raw ng patalim si Panigue pero naunahan siya ni Elopia at inundayan siya ng mga saksak.

Nanindigan ang suspek na ipinagtanggol lang niya ang sarili. --FRJ, GMA News