Nasawi ang isang abogado na papunta sa korte matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng mga salaring nakasakay sa motorsiklo sa Narra, Palawan.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Attorney Eric Jay Magcamit, na papunta sana sa pagdinig ng hinahawakan niyang kaso sa bayan ng Quezon.

Pero sa habang nasa biyahe, hinarang ng dalawang suspek na nakamotorsiklo ang sasakyan ni Magcamit at pinababa ang biktima bago pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at binti si Magcamit.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen, kabiilang ang motibo sa pagpatay sa abogado.

Kinondena ng National Union of Peoples' Lawyers(NUPL) ang pagpatay sa abogado.

Si Magcamit ang ika-anim nang abogado na pinaslang ngayong taon.--Jamil Santos/FRJ,GMA News