Patay ang isang 5-anyos na babae nang aksidenteng maputukan ng sumpak na pinaglalaruan nito sa Pidigan, Abra.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing naglalaro ang biktima kasama ng dalawa pang bata ng ibato niya ang nilalaro umanog tubo.

Hindi alam ng bata na improvised shotgun pala ito. Bigla na lang umanong pumutok ang sumpak at tinamaan ang biktima sa likod, na agad nitong ikinasawi.

Nagdulot umano ng trauma ang insidente sa dalawa pang kalaro ng biktima.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng sumpak. —LBG, GMA News