Arestado ang isang magsasaka sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte matapos ireklamo ng panggagahasa sa 5-anyos na babae.

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na nadiskubre umano ng ina ng biktima ang panghahalay habang pinaliliguan ang kanyang anak. 

Agad na nagsumbong sa pulis ang ina ng bata.

 

Umamin ang suspek at sinabing na nakainom siya kaya nagawa niya ang panghahalay, at humingi ito ng tawad sa pamilya ng biktima.

Isasailam umano ang bikima sa counselling ng DSWD. —LBG, GMA News