Isang lalaking nagbebenta umano ng droga sa mga menor de edad sa Baguio City ang inaresto sa isang drug raid.

Nakuha umano sa suspek ang 12 gramo ng hinihinalang shabu at tatlong gramo ng marijuana, ayon sa ulat ng News TV Live nitong Linggo.

May nakuha rin umano na baril at mga bala.

Ikinasa ang drug raid ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nailigtas naman ang isang menor de edad na nasa bahay ng suspek nang isinagawa ang raid.

Walang ibinigay na pahayag ang suspek. —KG, GMA News