Sa kulungan ang bagsak ng isang construction worker sa General Santos City matapos mapatay ang kaniyang live-in partner matapos umanong mag-away ang dalawa dahil sa nasirang cellphone.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabi ng isang saksi na mainit ang pagtatalo ng suspek na si Rodolfo Bacyano at ng live-in partner niyang si Aileen Yama, hanggang sa saksakin ng lalaki ang babae.

Sinasabing lasing din umano si Bacyano nang mangyari ang krimen.

Rumesponde naman ang mga kapitbahay sa insidente samantalang sumuko rin sa mga awtoridad ang suspek.--Jamil Santos/FRJ, GMA News