Nasawi ang isang lalaki matapos siyang ma-trap sa sariling bahay na kaniyang sinunog dahil sa pagseselos umano sa dati niyang live-in partner sa Davao City.

Ito ang lumabas sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, ayon sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes.

Ayon sa mga awtoridad, nalaman umano ng lalaki na may iba nang kinakasama ang dati niyang ka-live in.

Tatlong bahay din ang nadamay sa sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at tinitingnan ang iba pang posibleng anggulo sa nangyaring insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA News