Isang babaeng sales agent ang nasawi matapos barilin ng riding-in-tandem sa Orion, Bataan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Nakaupo lang daw at may kausap sa telepono ang biktimang si Ruth Rafa sa terrace ng kanilang bahay nang dumating ang riding-in-tandem at bigla siyang pinagbabaril.

Dead on the spot si Raf na nagtamo ng 52 tama ng bala sa katawan.

Walang nakakakilala sa mga suspek dahil pareho itong naka-helmet at agad na nakatakas.

Wala raw alam ang mga kaanak ng biktima na may kaaway ito.  —KBK, GMA News