Na-hulicam ang pananakit ng isang lalaki sa isang lola na may kapansanan sa San Pablo, Laguna.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, napag-alaman na apo ng matanda ang lalaking nananakit sa kaniya.

Sa kabila nito, wala raw balak ang lola na sampahan ng reklamo ang apo dahil mabait naman daw ito kapag wala sa impluwensiya ng alak at droga.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang matanda habang nagsasagawa na ng legal na hakbang ang pulisya laban sa apo. --KBK, GMA News