Patay ang isang rider matapos na bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang van sa Pili, Camarines Sur.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Alvin Lopez.

Ayon sa pulisya, nag-overtake ang rider sa isang truck pero hindi niya napansin na nagsi-signal ang nasa unahan na van na kaniyang nabangga.

Mayroon umanong saksi na nagsabing gumagamit ng cellphone ang biktima habang nagmamaneho nang mangyari ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.--FRJ, GMA News