Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang media executive matapos siyang barilin ng riding-in-tandem sa General Santos City nitong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Yentez Quintoy, executive secretary ng Brigada Group of Companies, ayon sa ulat ng Saksi nitong Biyernes.

Tinamaan ng bala sa balikat ang biktima, ngunit tumagos ito sa kanyang dibdib, sanhi ng kanyang pagkamatay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.

Nag-alok naman ng P1-milyon na reward ang Brigada Group of Companies para sa impormasyon na makatutulong sa pagdakip sa gunman.

Ito na ang ikatlong insidente na ng pamamaril sa General Santos City nitong buwan ng Hunyo. —KG, GMA News