Patay ang isang ama at kasama niyang lalaki ng pagbabarilin sila sa kanilang sasakyan sa Bacolod City. Ang kasama nilang batang babae, masuwerteng nakaligtas.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nakaupo sa passenger seat ng kotse ang batang apat na taong gulang, na anak ng isa sa mga biktima.

Sa unahan naman ng sasakyan nakapuwesto ang ama ng bata at ang kasama nilang lalaki.

Patay ang ama at ang lalaki sa mga tama ng baril, habang nakatakas ang mga salarin.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen.

Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.--FRJ, GMA News