Labis ang tuwa ng isang batang babae matapos na magbihis-sirena ang kaniyang tatay sa kaniyang pre-birthday shoot sa Agusan del Norte.

Sa mga larawan ni Ayen Alpuerto-Grana, na ibinahagi rin sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, makikita ang twinning ng mag-amang sina Neil at Solenn Grana sa kanilang mermaid attire.

Sinabi ni Mommy Ayen na may theme ang birthday shoot ng kanilang anak taon-taon, pero maselan ang kaniyang pagbubuntis ngayon kaya si daddy Neil muna ang nag-substitute.

Noong una, nag-alangan pa si Neil dahil baka pagtawanan siya pero nakumbinsi rin nang makitang tuwang tuwa ang anak.

Kinagiliwan din ng netizens ang father-daughter tandem.

Ang birthday shoot ay para sa ikatlong birthday ni Solenn. —LBG, GMA News