Sa loob ng limang taon, ilang ulit umanong pinagsamantalahan ng isang pastor sa Batangas ang kaniyang sariling anak.

Sa ulat ni John Consulta sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing kaagad na kumilos ang mga pulis sa Tuy, Batangas para arestuhin ang 47-anyos na suspek matapos matanggap ang reklamo ng biktima.

Nalaman daw ang ginagawang kahalayan ng ama sa kaniyang anak nang mapansin ng isang kaanak na palaging tulala ang biktima.

"Nagso-sorry daw po sa kaniya tapos hindi na lang daw niya uulitin. Sabi ko sa bata, 'Pero inuulit-ulit niya?," kuwento ng kaanak.

"Nagseselos po yung tatay niya kapag lumalabas [siya]tinatanong daw po agad kung mayroon daw pong boyfriend," patuloy nito.

Inamin naman ng suspek ang ginawang kahalayan sa kaniyang anak.

"Siguro po dahil ang aking asawa'y malayo," saad niya. "Anak patawin mo ako, patawin mo ang papa."

Nakadetine na sa pulisya ang suspek na sasampahan ng kaukulang reklamo.--FRJ, GMA News