Patay ang isang pahinante nang magliyab ang sinasakyang truck sa Cadiz City, Negros Occidental.

Iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkules na batay sa panayam ng mga taga-Bureau of Fire Protection, bumangga sa steel barrier ang truck, natumba, at saka nagliyab ito. 

Sugatan naman ang driver ng truck.

Mabilis umanong na nilamon ng apoy ang truck na kargado ng gasolina, ayon sa ulat.

Inabot ng isang oras bago naapula ang apoy. Tinatayang nasa mahigit P300,000 ang halaga ng nasunog na ari-arian. —LBG, GMA News