Patay ang isang 11-anyos na bata sa Cebu City matapos itong madaganan ang steel railing sa may P. Burgos Street ng lungsod.

Iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong  Miyerkules na kasama ng bata ang kanyang ina na nagtitinda ng kandila nang mangyari ang insidente.

Nakaupo lamang umano ang bata nang bigla na lamang itong bagsakan ng railings.

 

Pinatanggal na ng lokal na pamahalaan ang railings. —LBG, GMA News