Arestado sa Mabalacat, Pampanga, ang isang 72-anyos na lalaking Australian dahil sa pang-aabuso umano sa apat na taong gulang na anak ng kanyang dating kinakasama.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, nabisto ang panghahalay nitong Mayo matapos maghiwalay ang suspek at ang ina ng biktima.

Nasumbong daw ang bata sa kanyang ina nang sumakit ang maselang bahagi ng kanyang katawan at doon nadiskubre ang nangyaring pang-aabuso sa biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nahaharap sa reklamong rape in relation to child abuse.  —Sherylin Untalan/KBK, GMA News